Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
May 10, 2017 @ 18:43

Balik-acting si Jethro Ramirez sa top rating TV series na FPJ’s Ang Probisnyano.

Gumaganap siya rito bilang isang bad cop na kasabwat ng BuCor Director na si Pedro Ladronio (King Gutierrez) at ng drug lord na si Don Emilio (Eddie Garcia).

Ayon kay Jethro, dumalaw siya minsan sa mga kaibigang sina Coco Martin at Jeric Raval sa set ng naturang serye at doon na siya napasali rito. “Pumasyal lang sa set, kaibigan ko kasi sina Jeric at Coco, after niyon, yun na,” pahayag ng aktor.

Ano ang na-feel mo nang napasali ka sa seryeng ito?

Sagot niya, “Proud to be part ng Probinsyano. Kasi hindi lang ito nationwide, kundi worldwide, na pati mga Pinoy sa abroad ay nakakapanood sa TFC.

“Doon sa original na Ang Probinsyano-2 ni FPJ, naging bahagi rin po tayo. Ang naging papel ko sa movie na iyon, ako ang ka-draw ni Ricardo Cepeda, before si manager or FPJ.”

Huling napanood si Jethro sa pelikula via Manila’s Finest na tinampukan nina Bangs Garcia, Jeric, at Mark Anthony Fernandez noong 2015.

Ano yung huling TV show na ginawa mo at okay lang ba sa iyo ang maging kontrabida? “Walang problema kung maging bad guy man ang role na ibigay sa akin, ang importante ay mabigyang-buhay ang role na natotoka sa akin, kahit na ano’ng role.

“Ang last ko na TV show ay yung kay Sen. Lito Lapid, iyong Little Champ. Ang papel ko roon, bale magkaibigan kami roon.”

Pinuri rin niya si Coco bilang professional na actor at super sa pakikisama sa kapwa. “Si Coco as an actor, professional siya at mahusay talaga. May puso siya at hindi marunong makalimot sa lahat ng mga kasamahan niya.

“Alam ko na gusto niyang matulungang makabalik ang mga artistang medyo nawawala sa circulation sa showbiz, kaya nakaka-bilib talaga si Coco,” esplika pa ni Jethro patungkol sa mga artistang tulad niya, pati na sina Jeric, William Martinez, Julio Diaz, Dindo Arroyo, King Gutierrez, at iba pa.

(NONIE NICASIO)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..