Tuesday 18th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
May 11, 2018 @ 23:41
pia-wurtzbach-marlon

pia-wurtzbach-marlon

 

 

Namataan si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at boyfriend nitong si Marlon Stockinger sa isang private club sa Maynila.

Si Pia ang nag-host ng party kasama sina Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters at Miss Universe 2016 Iris Mittenaere.

Matapos mag-host ni Pia, pumunta sila ng queens kay Marlon na nasa private platform.

Ilang minuto lang ay umalis na rin ang tatlong reyna habang nanatili si Marlon sa lugar.

Kahit hindi nag-usap, mukhang maayos naman umano sina Pia at Marlon ng mga panahon na iyon sa kabila ng isyu na si Queen P ang rason ng paghihiwalay nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Nagkasama sina Gerald at Pia sa hit movie na “My Perfect You” kung saan in-“unfollowed” umano ni Bea ang dalawa at binura ang mga picture nito sa Instagram. (Maria Jaime)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..