Thursday 15th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Aug 20, 2018 @ 17:20

NI: ROLDAN CASTRO

Ang worldwide sensation na TNT Boys ang hinirang na pinakabagong grand winner ng “Your Face Sounds Familiar Kids” matapos nilang pabilibin ang mga juror at manonood para sa kanilang transformation bilang Jessie J, Ariana Grande, at Nicki Minaj sa grand showdown noong Linggo (Agosto 19).

Ang performance ng bigshot trio ng hit song na “Bang Bang” ang nakakuha ng pinakamataas na pinagsamang scores mula sa jury at public text votes na 100%. Tinalo rin nila ang pito pang katunggali na kiddie performers.

Bilang premyo, nag-uwi sina Mackie Empuerto, Kiefer Sanchez, at Francis Concepcion ng P1 milyon, house and lot, at gadget showcase.

Nakuha naman ni Onyok Pineda ang second spot para sa kanyang performance bilang Steven Tyler at nagkamit ng average score na 67.59%. Sinundan siya ni Esang De Torres na ginaya si Barbra Streisand at nakakuha naman ng 58.52%.

Tinutukan nga ng mga manonood ang naganap na grand showdown ng kiddie performers ng “Your Face Sounds Familiar Kids” matapos itong magkamit ng national TV rating na 36.5% noong Sabado (Agosto 18), laban sa “The Clash” (18.9%), ayon sa datos ng Kantar Media. Ito rin ang pinakapinanood na palabas noong Linggo (Agosto 19) sa pagtala nito ng 37.1%, kumpara sa katapat nito na nakakuha ng 18.4%.

Sa darating na weekend (Agosto 25 at 26), muli namang magsasama-sama para sa isang all-star concert ang lahat ng naging performers ng “Your Face Sounds Familiar” sa parehong regular at kids seasons nito. Abangan ang kanilang tranformations na siguradong muling magpapamangha sa mga manonood.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..