Thursday 15th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Aug 21, 2018 @ 16:31

Ni: Ronaline Avecilla

Isang rider ng motorsiklo ang naaksidente matapos mabunggo ng sasakyan ng aktor na si Daniel Matsunaga. Nagyari ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ayon sa MMDA Traffic Officer na si Joven Acosta, hindi umano napansin ni Daniel ang pagkakabunggo niya dahil sa lakas ng tugtog niya sa loob ng sasakyan.

Hinabol siya ng MMDA enforcers at pinahinto upang ipaalam ang nangyari.

Hindi naman ibinigay ang pagkakakilanlan ng biktima ngunit agad naman itong binigyan ng paunang lunas.

Samantala, nagpost si Daniel Matsunaga ng isang IG story at humihiling na ipanalangin siya. May kinalaman kaya ito sa insidente ng pagkakabunggo niya.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..