Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Aug 21, 2018 @ 16:42

NI: Ronaline Avecilla

Matapos ang isyu ng panggagaya umano ng Youtube Blogger na si Michelle Dy sa trademark ng international blogger at make-up mogul na si Jeffrey Star. May panibago na namang isyu na kinakaharap nito.

Isang international blogger kasi ang nakapansin sa post niya na tinranslate niya pa mula tagalog to english.

Ani Em Ford na isang international blogger, “This is everything that’s wrong with social media. I am disappointed and saddened that someone would use their social platforms to skin shame *their own audience*.”

Minention niya pa si Michelle Dy sa mismong twitter post. Aniya, “@michelledy, you’re in a position of privilege, with an impressionable audience … this is not okay.”

Ang post na tinutukoy ng international blogger ay ang Instagram story ni Michelle na kung saan ang naging tampulan niya ng tukso ay ang mga taong may skin problems.

Ani Michelle Dy sa post, “Pati filter, lighting, camera, editing, whatever chuchu ng picture ko pinoproblema nyo! Kalokaaa, hahahah. Problemahin nyo yong mga blackheads at pimples nyo mga besh, wag yong picture ko. Lahat nalang! Kalerks! But anyway, manood nalang kayo mamaya ng video ko para makita ninyo papano maging ganon ka-fresh okay?”

Kasama kasi sa advocacy ng international blogger ang maging confident sa sarili. Sa katunayan nga ang pangalan ng kaniyang blog ay “mypaleskinblog”.

“Your skin does not define you. Ang ganda mo!,” pangi-encourage ni Em Ford.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..