Wednesday 19th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Aug 22, 2018 @ 13:17

NI: ROLDAN CASTRO

Aminado si Garie Concepcion na na-disappoint siya sa hindi pagkakatuloy ng showing ng launching movie niyang ‘The Lease’ as earlier scheduled for a July playdate, pero more than anything now, super excited siya dahil finally ay palabas na ngayong Wednesday, August 22, 2018.

“Napakaimportante po sa akin ng movie na ito. This is my launching film, ibinuhos ko po ang lahat dito. I auditioned for the role, inaral ko ang lahat dahil ayaw kong mapahiya sa lahat, from the director, to the cast, producer, etc!” bulalas niya.

Anak ni Gabby Concepcion si Sarie kay Grace Ibuna, so half sister niya si KC Concepcion. And the fact na may dugong artista talaga siya, dapat lang talaga na may maipakita siyang akting. At base sa napanood namin, sa premiere night ng movie, pasadung-pasado siya.

What’s interesting to note ay suportado siya ng daddy Gabby, although hindi nakarating sa premiere night ang aktor dahi nagte-taping sa malayong lugar, nagpunta naman doon ang tita niya na kapatid ng aktor.

‘The Lease’ is a psycho-horror movie na magpapasindak-magpapaangat sa inyo sa upuan, at kasama rito ni Garie ang Italian actor na si Ruben Maria Soriquez (siya iyong gumanap na father ni Liza Soberano sa ‘Dolce Amore), Edmund Santiago, and child stars Jill Demski and Harvey Almoneda. This is directed by Italian director Paolo Bertola based on the novel by Mario Alaman, under Utmost Creative Productions.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..