Friday 16th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Aug 24, 2018 @ 15:54

NI: Glen P. Sibonga

Mahalaga para kay Paulo Avelino ang pinagbibidahan niyang pelikulang ‘Goyo: Ang Batang Heneral’ directed by Jerrold Tarog and produced by TBA Studios, Artikulo Uno Productions and Globe Studios.

Ginagampanan ni Paulo ang buhay ng isa sa mga pinakabatang heneral sa kasaysayan ng Pilipinas na si Heneral Gregorio “Goyo” del Pilar sa naturang pelikula na ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula sa Setyembre 5.

“Mahalaga sa akin itong pelikulang ito hindi lang bilang artista, kung hindi bilang mamamayan ng Pilipinas dahil importante sa akin, sa atin ang malaman ang istorya natin.

Importante sa atin na paulit-ulit ipaalaala sa atin itong mga nangyayari sa istorya natin para makita natin ang mga pagkakamali natin at maitama natin ang mga pagkakamali natin na paulit-ulit hanggang sa panahon ngayon na nagagawa at nagiging pagkakamali pa rin natin,” sabi ni Paulo.

Ano ang maaasahan ng mga manonood sa pelikulang ito? “Maaasahan ng mga manonood dito sa pelikula… at tulad ng paggawa ni Jerrold sa Heneral Luna ay as usual very entertaining and its relatability. Maraming makaka-relate dito not just the young people but all generations.

It’s not just because of our history but it’s also because of knowing and remembering who you are. Parang tagline namin, ‘Tandaan mo kung sino ka.’ Parang pagpapaalala sa iyo kung sino ka,” paliwanag ni Paulo.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..