Friday 16th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Aug 24, 2018 @ 17:06

NI: Ronaline Avecilla

Kumpirmado na nagkabalikan ang dating magjowa na sina KC Concepcion at Pierre Emmanuel Plassart. Magkasama ang dalawa ngayon sa Malibu, California.

Happy naman si Sharon Cuneta para sa anak. Nag-post pa nga ito ng picture ng dalawa sa Instagram account niya na may caption na “P & K”.

Hindi maiwasan ng mga netizen na maging advance ang pag-iisip. Sigurado raw kasing aabangan sa Instagram feed ni Megastar ang magiging apo niya.

Bakas sa komento ni Shawie na gusto na nga nito magkaapo.

Aniya, “Tagal ko na inip maging lola! 19 pa lang ako paglabas ni KC isip ko na mga magiging apo ko! Hahaha!”

Limang taon din na nagkahiwalay sina Pierre at KC. Sabi nga nila “Love is much sweeter the second time around.” Eto na kaya ang forever ni KC?

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..