Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Aug 24, 2018 @ 16:42

NI: RK VILLACORTA

May ilang mga fan si Xian Lim na dumalo sa red carpet celebrity premiere ng pelikulang Miss Granny. May mga nakausap kami na nag-aabang sa idol nila.

Puna nila na mula nang umalis sa Star Magic ang aktor at lumipat sa Viva Artist Agency, tila naapektuhan ang idol nila.

Kapansin-pansin daw ito sa promo ng Miss Granny. Hindi nakakapag-ikot ang binata sa iba’t ibang Kapamilya shows. ‘ASAP’ at ‘Tonight With Boy Abunda lang ang napuntahan niya.

Pero kahit anong mangyari hindi raw nila iiwanan ang actor.

Samantala, dahil mahal nila si Xian, susuportahan pa rin nila ang kapartner ng idol nila na si Kim Chiu. Nasa pangangalaga pa rin ng Star Magic at Kapamilya Network ang actress.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..