Saturday 17th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Aug 28, 2018 @ 11:57

Ni: Glen P. Sibonga

Nagtala ng bagong record sa box-office sa Pilipinas ang pelikulang Crazy Rich Asians (CRA) bilang Biggest Opening Weekend for a Foreign Romantic Comedy of All-Time sa kinita nitong P82.7 million mula nang magbukas ito sa mga sinehan nationwide noong August 22 hanggang noong weekend (August 25-26). Matagal na panahon na ring hawak ng Maid in Manhattan ang record hanggang sa malagpasan nga ito ng CRA.

Ang CRA rin ang Biggest Opening Weekend for a Warner Bros Film for 2018, na kamakailan ay hinawakan ng kare-release lang na The Meg.

Kaya naman masayang-masaya sa tagumpay ng CRA sa Pilipinas si Kris Aquino, na gumaganap bilang si Princess Intan sa pelikula. Hindi man ganun kahaba ang role at eksena ni Kris sa pelikula ay sinuportahan pa rin ito ng ating mga kababayan. Sadyang maganda rin kasi ang pelikula kaya tinangkilik din ito ng mga Pinoy. Kaya lubos ang pasasalamat ni Kris.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..