Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 1, 2018 @ 22:33

NI:Glen P. Sibonga

Masayang-masaya si Kris Aquino na naging matagumpay at humataw sa box-office sa Pilipinas ang international movie na Crazy Rich Asians (CRA), kung saan gumaganap siya bilang si Princess Intan.

Sinadya ni Kris na manahimik muna sa social media sa pagbubukas ng pelikula sa mga sinehan sa Pilipinas noong August 22 hanggang noong weekend upang mabigyan ng pagkakataon ang CRA na ma-appreciate ng mga Pilipino sa kabuuan ng istorya nito at pagganap ng iba pang cast. Ayaw bigyan ni Kris ng pagkakataon ang bashers na magpalaganap ng masasamang komento at paninira kapag nag-post siya tungkol sa CRA sa opening nito.

Gayunpaman, sa kabila ng pananahimik ni Kris sa social media, hindi niya napigilan ang pagdagsa ng mga papuri at magagandang feedbacks ukol sa kanyang special appearance sa pelikula. Talaga nga namang sinuportahan ng ating mga kababayan ang CRA. Kaya naman nagtala ito ng bagong record sa box-office sa Pilipinas bilang Biggest Opening Weekend for a Foreign Romantic Comedy of All-Time.

Ito nga ang ipinagpapasalamat ni Kris sa kanyang Instagram post (@krisaquino) — Please know your heartwarming comments & posts have made me feel immeasurable GRATITUDE… i thank you for the effort to watch @crazyrichasians, some of you going multiple times w/ family, officemates, best friends, school barkadas, and your boyfriends & husbands… the eyewitness accounts of spontaneous applause & cheering in movie theaters nationwide when my character made her entrance in Colin & Araminta’s wedding, and most significant for me- the PRIDE you, the moviegoers felt in being FILIPINO during my few minutes portraying Princess Intan in @crazyrichasians- this feeling of SOLIDARITY for the sake of our NATIONAL IDENTITY will forever inspire me to strive harder to promote & protect our values, dignity, and grace as a people… walking into the light, with sunbeams filtering in, i embraced the blessing because for that moment- I WAS YOU, and YOU WERE ME. #ilovethephilippines

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..