Friday 14th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 1, 2018 @ 22:40

NI: Glen P. Sibonga

Bonus na lang para kay Neo De Padua aka Kuya E kung manalo siya ng award sa nalalapit na Star Awards For Music: A Decade Of OPM Excellence ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Pakiramdam kasi niya ay parang nanalo na siya sa natanggap niyang dalawang nominasyon.

Nominated siya bilang Novelty Artist of the Year para sa kanyang kantang Tinapay na nakapaloob sa kanyang Ako’y Nangarap album under Big Eyes Events and Productions. Nominado rin siya bilang New Male Recording Artist of the Year.

“Yung panalo parang bonus na lang iyon e. Kasi para na rin akong nanalo. Yung makasama ka lang sa mga nominado feeling ko nanalo na rin ako. Kasi, ‘Ay meron pa pala, sa edad kong ito mapapansin pa rin ako,’” sabi ni Kuya E.

Hindi nga raw niya maipaliwanag ang naramdaman niyang kasiyahan na maging nominado. “Wow, yung feeling mo na hindi mo naman talaga ine-expect na mapapansin ka. Yung feeling indescribable talaga siya. Kahit hindi ka nga manalo, makasama ka lang doon sa lineup, sa mga nominado, feeling mo nanalo ka. At saka kung mapapansin niyo yung nag-congratulate sa akin sa Facebook grabe, sobra talaga na parang doon pa lang panalo ka na. Naiyak ako hindi lang dahil sa tuwa kundi doon sa congratulatory messages, tapos yung mga matagal nang hindi tumatawag sa iyo biglang tumawag, pati yung mga nasa abroad nakita rin at bumati. Very proud ako doon na ang dami palang nagmamahal sa iyo. Yung pakiramdam sobrang saya.”

Ngayong nakatanggap siya ng dalawang nominasyon sa PMPC Star Awards for Music, itutuloy na rin daw niya ang pagiging singer at songwriter. Isa nga sa pinaghahandaan niya ngayon ang nalalapit niyang concert titled Rule Yourself na gaganapin sa September 18 sa Music Museum. Special guests niya rito sina Mikee Misalucha, Aikee, Jen Maravilla, Maricar Aragon, Ian Badajos, Angel Rillera, at Kids Overload. Ang kikitain ng concert ay mapupunta sa cancer patients na tinutulungan ng Big Eyes Foundation ni Kuya E.

Sinimulan ni Kuya E ang pagiging singer at songwriter niya last year lang. Pero naranasanan niya rin maging artista noon hanggang sa magkaroon siya ng agency na nagsu-supply ng talents para sa shows ng ABS-CBN at GMA. Higit siyang nakilala bilang motivational speaker/life coach at TV host sa kanyang talk show na RYTS (Rule Yourself To Success) na napapanood sa Net 25 tuwing Sabado, 4pm.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..