Saturday 17th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 3, 2018 @ 15:16

NI: ROLDAN CASTRO

Mahalaga para sa celebrity mom na si Melai Cantiveros-Francisco ang kaligayahan ng kaniyang pamilya dahil ito raw ang sukatan ng kaniyang pagiging isang mabuting ina.

Kaya naman katuwang niya ang NESTOGROW 4, ang pinakabagong growing-up milk brand na naglalayong tulungan ang mga nanay na palakihing malusog at masaya ang kanilang mga anak. Kabahagi rin si Melai sa Grow Happy movement nito na sumusuporta sa adhikain na lumaking happy at healthy ang mga bata sa bawat tahanan.

“Sa panahon ngayon, hindi enough na maging healthy lang ang ating mga anak. Dapat lumaki din silang masaya dahil kapag masaya ang disposisyon ng isang bata, nagiging mas maayos din ang kaniyang paglaki,” tsika ni Melai sa launch ng NESTOGROW 4 Grow Happy Nation: Play Lab na ginanap sa Starmall Alabang noong Sabado, Setyembre 1.

Patuloy na napapanood si Melai sa morning talkshow na Magandang Buhay ng ABS-CBN

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..