Friday 14th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 3, 2018 @ 15:12

NI: Glen P. Sibonga

Binigyan ng mamahaling bracelet ni Sharon Cuneta si Vice Ganda nang mag-guest ang Megastar sa show ng Unkabogable Star sa ABS-CBN na Gandang Gabi Vice noong Linggo, September 2.

Si Vice naman hiyang-hiya dahil hindi niya inakalang tototohanin ito ni Mega nang papiliin siya nito sa mga suot na bracelets at singsing.

Sabi ni Sharon kay Vice, “Gusto ko kasi may remembrance ako sa iyo. Sige na.”

Lalo pang nahiya si Vice nang si Sharon mismo ang magkabit ng bracelet sa kanya.

Pasasalamat na lang ang namutawi sa bibig ni Vice, “Thank you so much, Mega. Maraming salamat. I love you very, very much. Alam mo, mahal itong ibinigay mo sa akin, pero yung halaga ng bracelet, walang panama sa halaga ng pagmamahal mo sa akin. Kaya yun ang mas naa-appreciate ko.”

Ayon naman kay Sharon, “When you give something personally belonging to you, it means more kaya I wanted to give it to you.”

Sabi pa ni Vice, “Alam kong may value ito sa iyo pero feeling mo mas may value ako kaya ibinigay mo siya sa akin. Nahihiya ako.”

Hirit pa ni Sharon, “At saka I’m so proud of you, Vice. Tuwang-tuwa ako sa iyo. Proud na proud ako sa narating mo.”

Dito na sinabi ni Vice na kay Sharon siya nagsimula ng career niya nang mag-guest siya sa dating show nitong The Sharon Cuneta Show.

Mapapanood ang part 2 ng guesting ni Sharon sa Gandang Gabi Vice sa susunod na Linggo ng gabi, September 9, sa ABS-CBN.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..