Friday 16th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 4, 2018 @ 11:52

NI: Glen P. Sibonga

Proud and happy si Jeric Gonzales dahil dumating na sa kanya ang biggest break niya bilang bida sa upcoming GMA-7 afternoon teleseryeng Ika-5 Utos kasama si Jean Garcia, na gumaganap na nanay niya sa serye. After six years mula nang manalo siya sa Protégé noong 2012 dumating na ang pinakahihintay na break sa GMA ni Jeric.

“Masayang-masaya ako talaga kasi yung momentum nito after Kambal Karibal pinull-out pa nila ako doon for this e. So, parang hindi ako makapaniwala kasi ayun nga ang dami kong struggles before, tapos ngayon eto na,” sabi ni Jeric.

Kabado ba siya? “Mixed emotions e, masaya na kinakabahan. Kasi ibang klaseng role na ito, tapos ang gagaling pa ng mga kasama kong artista kaya ako kinakabahan. Pero higit sa lahat thankful ako sa network kasi after ilang years talagang binibigyan nila ako ng importansiya.”

Inspirado raw siya sa Ika-5 Utos co-stars niyang sina Jean at Tonton Gutierrez, na parehong matatagal na ang career sa industriya. “Gusto ko pang pagbutihan ‘yung craft ko kasi ang aim ko talaga yung tumagal dito. Iyon ang nakikita ko kina Ms. Jean, Kuya Tonton, talagang ‘yung craft nila pinag-igihan nila kaya hanggang ngayon nandito pa sila.”

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..