Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 5, 2018 @ 13:22

NI: ROLDAN CASTRO

Kakaibang saya para sa ating mga Kapuso ang dala ng Victor Magtanggol stars na sina Alden Richards, Janine Gutierrez, Andrea Torres at Pancho Magno.

Pinatunayan ito ng jam-packed na mga fans na dumalo sa magkakasunod nilang mallshows sa Bacolod at Cebu nitong weekend. Nakakabinging tilian at palakpakan ang dumagundong sa Robinsons Place Bacolod at Gaisano Grand Carcar at Gaisano Grand Fiestamall sa Cebu.

Ayon sa mga dumalo, sulit na sulit ang kanilang pagpunta doon dahil nakita nila ang kanilang mga idolo. Lubos namang nagpapasalamat sina Alden sa mainit na pagtanggap na ito mula sa mga Kapusong Negrense at Cebuano.

Saan kaya ang susunod na lugar na bibisitahin nila?

Samantala ngayong nakilala na ni Hammerman ang Pamilya Regalado, matutuklasan kaya niya agad ang totoong hangarin ni Hector (Eric Quizon)? Tutok lang sa Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..