Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 6, 2018 @ 13:33

Ni: Glen P. Sibonga

Hindi inakala ng bagong Beautederm ambassador na si Darla Sauler na one day ay magiging endorser siya at sasabak pa sa pictorial. Nakaka-celebrity status daw ang pagiging endorser niya.

Writer at production staff si Darla sa mga show sa ABS-CBN. Pero higit siyang nakilala nang makasama niya si Kris Aquino sa KrisTV noon kung saan ginagawa pa siyang co-host minsan ng Queen of All Media. Kaya kung tutuusin celebrity na rin naman siya lalo na noong nagkaroon siya ng online show na siya ang host.

Very thankful nga si Darla sa Beautederm CEO and owner na si Rhea Anicoche Tan sa pagkuha sa kanya bilang isa sa mga bagong ambassadors ng Beautederm. Natuwa rin siya dahil isinama pa siya sa pictorial kamakailan kasabay nina Tonton Gutierrez, Alex Castro at iba pang Beautederm ambassadors.

Ang picture nga niya bilang Beautederm ambassador ang gamit niyang profile pic sa kanyang Facebook account ngayon at may caption pa na — May time magpictorial? Proud Beautéderm baby. Thanks my @beautedermcorporation family for taking care of my skin. Thank you (di ko na-imagine magpopost ako ng ganto)

Mas naging confident daw si Darla sa kanyang sarili simula nang gumamit siya ng Beautederm products. Post pa niya sa FB — Sa totoo lang, pag naalagaan ang skin, magiging confident ka talaga eh hahaha! Kaya naman happily, dinagdag ko na talaga sa nightly rituals ko itong Beautéderm set of creams, soap and toner. Wala mang panama sa ganda, sa skin man lang lumaban tayo di ba? Kahit lisptick lang everyday, fight na! Hahaha! Thanks talaga Ate Reí Tan, I am now a proud user of Beautéderm!

Proud mommy naman si Ms. Rhea sa isa sa kanyang Beautederm babies. “Si Darla, love ko iyan, baby ko iyan. Napakasipag niyang mag-promote ng Beautederm sa kanyang social media, lagi siyang nagpo-post kaya natutuwa ako. At saka user talaga siya ng Beautederm, nakaka-proud.”

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..