Tuesday 13th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 6, 2018 @ 12:20

NI: Glen P. Sibonga

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang patutsadahan sa isa’t isa ng aktor na sina Robin Padilla at ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Pumunta si Robin sa Senado noong September 4 para abangan kung matutuloy ang pag-aresto kay Sen. Trillanes matapos bawiin at ipawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iginawad na amnesty sa senador ni dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay ng coup d’etat cases na kinahaharap nito noon.

Pagdating sa harap ng Senado ay naghayag ng kanyang saloobin si Robin kontra kay Sen. Trillanes sa pamamagitan ng Facebook live.

Ayon kay Robin, “Nandito po kami sa harap ng Senado ng bansang Pilipinas. At dito po sa loob nito ay nagtatago ang isang senador na hindi sumusunod sa batas. Aba kapag lumabas ang warrant at hindi ka sumama sa huhuli sa iyo ay pambihira ka talaga, di ba? Anong pinaglalaban mo? Alam mo kami, kaming mga ordinaryong tao kapag may kaso, wala kaming magawa. Kapag sinabi ng pulis na kailangan naming sumama sa kanila, sumasama kami. Kahit na alam namin na wala kaming kasalanan, sumasama kami. Kasi yun ang sinasabi ng batas.”

Sabi pa ni Robin, “Kung gusto mo, samahan kita ‘tol, kung natatakot kang makulong. Tutal sanay din naman akong makulong.”

Hinimok pa ng aktor na sumuko na ang senador, “Harapin natin, magpakalalaki tayo.”

Pero si Sen. Trillanes nagdesisyong manatili sa Senado. Sa interview sa kanya ng media, ipinagkibit-balikat naman ng senador ang mga patutsada ni Robin sa kanya.

“Papaano ba ako magre-react doon? Parang bata. It’s too petty. We’re dealing with national problems here, tapos you have immature people like that,” ganting patutsada ni Sen. Trillanes sa aktor.

Sa panibagong Facebook live noong September 5, sinagot naman ni Robin ang patutsada sa kanya ni Sen. Trillanes.

Banat ni Robin, “Alam mo, Antonio, sa usapin na ito, isa lang ang parang bata dito e, ikaw. Kasi ikaw ang nagtatago e. Ikaw ang nakikipagtaguan. Ako nagpunta ako ng Senado para makita ko ang pagsilbi, ang pag-serve ng batas. Kasi sa batas, no one is above the law. Iyan, pare, iyan ang point natin. Dapat ang lahat ay sumusunod sa batas.”

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..