Friday 16th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 6, 2018 @ 13:11

NI: Glen P. Sibonga

Nagkaroon ng reunion noong weekend ang mga bumubuo sa dating hit TV series ng GMA Network na T.G.I.S.. Pinangunahan ito ni Ciara Sotto, na nag-host ng naturang reunion.

Ipinagdiwang nila ang ika-23 anibersaryo ng T.G.I.S., na nag-premiere noong August 12, 1995 sa Saturday lineup ng GMA. Umere ang last episode nito noong November 27, 1999.

Dumalo rin sa reunion ang Batch 1 members na sina Angelu de Leon, Michael Flores, at Rica Peralejo; Batch 2 members na sina Dingdong Dantes, Sunshine Dizon, at Chantal Umali; ang mga direktor na sina Mark Reyes at Dominic Zapata; at series developer na si Kit Villanueva-Langit.

Si Ciara ang tanging cast member na tumawid mula Batch 1 hanggang Batch 2. Inilabas nga ni Ciara ang kanyang saloobin tungkol dito pati sa kanilang reunion sa kanyang post sa Instagram (@pinaypole) — So after 21 years… I’m at peace. Hahaha! I still remember how bad I felt when batch 1 left me for “Growing Up”…. I couldn’t stop crying. I wasn’t my usual self who was always laughing…. but after about 2 taping days, I became friends with the new generation kids! Last night ko lang nalaman bakit kailangan ako iwanan muna. Hehe! After more than a year, I got reunited with them (sinama na’ko sa Growing Up) and our bond became much stronger! I love you guys so much, both batch 1 & 2! I was the baby of batch 1 and I had to be the “ate” of batch 2! Hahahahaha! I am grateful! Thanks @vanillaskykit and @direkmark for finally explaining! Hehe!

Sa IG post naman ni Michael (@michaeljohnflores), binanggit niya ang na-miss nilang cast members na hindi nakapunta sa reunion gaya nina Bobby Andrews, Bernadette Allyson, Onemig Bondoc, Red Sternberg, Raven Villanueva, Dino Guevarra, Polo Ravales, Antoinette Taus, at Anne Curtis. Siyempre na-miss din nila ang iba pang miyembro ng cast kaya wish ni Michael na sana magkaroon sila ng reunion project sa TV man o sa pelikula.

Ayon sa IG post ni Michael — WE ARE..T.G.I.S.!!! Thank you @pinaypole for hosting lastnight’s #TGIS23 reunion! We had soo much fun! Missing @iambobbyandrews @bernadetteallyson_e @uno_111 @redsternberg @ravenskinner1 @dinoguevarraofficial @poloravales @antoinettetaus @annecurtissmith @veroniquecorpus and the rest of the gang!! I think it’s time to make a reunion tv/movie project for our tgis fans very soon! We are claiming it kaya abangan niyo!

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..