Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 7, 2018 @ 22:00

NI: ARCHIE LIAO

Umarangkada na ang ikaapat na edisyon ng Cine Argentino o Argentinian filmfest na tampok ang mga klasiko at kontemporaryong pelikula ng Argentina.

Ang tema ng filmfest ay tungkol sa relasyon sa pamilya at kaibigan kung saan ang lahat ay makaka-relate.

Tampok sa limang-araw na festival ang “Los Guantes Magicos” (The Magic Gloves) tungkol sa isang cab driver na ipinagbili ang kanyang sasakyan para pumasok sa pagnenegosyo at pag-aangkat ng ‘magical gloves’, ang “The Last Elvis”(El Ultimo Elvis) na pumapaksa sa isang lalakeng hiwalay sa asawa na nag-iilusyong siya ay isang reincarnation ng iconic rock and roll idol na si Elvis Presley, “Showroom” tungkol sa isang lalake na ang tanging pangarap ay manirahan sa kabisera ng lungsod, “I Married a Dumbass( Me Case con un Boludo) na tumatalakay sa kuwento ng isang aktor na nakapangasawa ng isang aktres na naging kumplikado ang buhay, “Inseperables” tungkol sa pagkakaibigan ng isang milyonaryo at ng kanyang therapeutic assistant at “To Fool a Thief” (Vino Para Robar) na magpopokus sa kuwento ng dalawang magkaribal na magnanakaw na nagkasundo para nakawin ang isang importanteng art piece sa isang museum.

Ang Cine Argentino 2018 na nasa ika-4 na taon na ay inorganisa ng Embahada ng Argentina sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines sa pamumuno ni Chair Liza-Dino.

Ang mga tampok na pelikula ay mapapanood ng libre sa Cinematheque, Manila hanggang Setyembre 10.

Ipalalabas din ito sa mga regional cinemas ng FDCP tulad ng Cinematheque Davao at Cinematheque Iloilo.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..