Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 9, 2018 @ 14:43

NI: Glen P. Sibonga

Masaya si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na naging Teleserye Capital na ang kanilang lalawigan dahil sunud-sunod na ang mga teleseryeng nagte-taping dito.

“Ang nakakatuwa lang sa Ilocos naging Teleserye Capital na kasi doon syinuting lahat e, Bagani, Araw Gabi,” sabi ni Gov. Imee.

Kung tutuusin daw noon pa naman ay paboritong location na ang kanilang lugar maging sa mga pelikula – mapa-lokal man o foreign movie. “Yeah, yung Panday, Himala, Temptation Island, Madmax, Fourth of July. Even the second Temptation Island was shot there also.”

Para mas maengganyo nga raw ang mga local television networks at film companies na mag-shooting sa Ilocos Norte ay gumawa ng batas si Gov. Imee upang bigyan ng incentive ang mga kumpanya. “So, what we did… gumawa ako ng batas sa amin, media incentive, na pag nag-shooting ka sa Ilocos… kasi pagkalayo-layo namin… e libre na. At least yung location manager matutulungan namin. Hahanapan namin ng lugar. Tapos imbes na tinataga ‘yung shooting, we try to give it for me. And then hahanap ng sponsor, ganun, kasi ang layo nga namin. E nagkataon nagustuhan naman nila. And there are so many locations kasi sa Ilocos, ang gaganda ng landscapes.”

Ayon pa kay Gov. Imee, makakatulong din daw sa turismo ng Ilocos Norte ang malaman na sa lugar nila nagsu-shooting ang mga sikat na teleserye at pelikula. Nabibigyan din daw ng hanapbuhay ang marami sa kanilang mga kababayan. “In fact, yung sa Bagani nga pinakiusapan namin na iwanan nila yung set para sa film or TV tourism. Kasi ang ganda-ganda ng set nila. Pwede kaming magkaroon ng Bagani tour. May film tourism like in Korea. Gaya nung sa Himala, eto yung puno doon sa eksena ni Nora (Aunor). Maganda naman kasi kumikita yung mga tao, kasi sila na yung tour guide. Tapos yung mga karpintero naging set designer na sila. Malaking tulong talaga sa turismo namin kasi parang may free ads na kami sa TV. Kasi araw-araw na napapanood ang teleserye na iyan, Ilocos Norte ang nakabandera diyan.”

Ang pagbibigay ng incentive sa mga gustong mag-shooting sa Ilocos Norte ay isa rin sa pamamaraan ni Gov. Imee para makatulong sa industriya at bilang suporta rin sa mga local TV networks at film companies.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..