Friday 14th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 9, 2018 @ 15:01

NI: Glen P. Sibonga

Bilib daw si Jean Garcia sa young actor na si Jeric Gonzales. Ginagampanan ni Jean ang role ni Eloisa, nanay ng karakter ni Jeric na si Brix sa bagong GMA afternoon teleseryeng Ika-5 Utos na magsisimula nang umere sa Lunes, September 10.

“Si Jeric nakikita ko na may potensiyal, malaki ang potensiyal niya. Kailangan lang talaga niyang mag-focus, kailangan niyang makinig. And yun nga i-prioritize muna niya ang career, huwag muna love, kasi it follow naman, bata pa naman siya. Sabi ko nga sa kanya, ‘Mag-focus ka muna sa career. Pag-aralan mo ang karakter mo.’ Kasi nag-workshop kami e. At saka gina-guide naman siya ni Direk Laurice (Guillen) sa mga eksena naming dalawa. Every time na kaeksena ko siya, magkatinginan pa lang kami, iba yung ramdaman naming dalawa. Kaya pag pinanood mo itong Ika-5 Utos, ang galing-galing ni Jeric dito,” papuri ni Jean kay Jeric.

Hindi naman daw ito ang first time nilang magtrabaho ni Jeric. “Magkasama kami sa Kambal Karibal pero hindi ko siya masyadong kaeksena. Ang mas kaeksena ko doon ay si Bianca Umali, si Alfred Vargas at si Carmina (Villarroel). Pero dito sa Ika-5 Utos ko nakita yung potensiyal ni Jeric na maging magaling na aktor. Siyempre sa una kinakabahan siya. Pero later on naging comfortable na siya sa akin and para na kaming pamilyang dalawa.”

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..