Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 11, 2018 @ 13:26

NI: Glen P. Sibonga

Na-starstruck daw si Julie Anne San Jose nang makatabi niya sa upuan ang music icon at Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano sa Star Awards For Music: A Decade Of OPM Excellence ng Philippine Movie Press Club (PMPC), na ginanap noong Linggo, September 9, sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.

Ipinost pa ni Julie Anne sa kanyang Instagram (@myjaps) ang picture nila ni Gary V kasama ang caption na — Last night I sat next to Mr. Pure Energy @garyvalenciano at the PMPC star awards.. gosh, starstruck pa rin. Thank you for sharing your wisdom.

Siyempre ipinost din ni Julie Anne sa IG ang trophy niya sa kanyang pagkapanalo bilang 2017 Female Pop Artist of the Year para sa kanyang album na Chasing The Light under GMA Records. Ayon nga sa caption nito — Maraming salamat PMPC Star Awards for Music sa parangal na ito! Mabuhay ang OPM! To God be the glory

Mula sa produksyon ng Airtime Marketing Philippines ni Ms. Tess Celestino-Howard at sa direksyon ni Bert de Leon, ang PMPC Star Awards for Music ay mapapanood sa Setyembre23 sa ABS-CBN’s Sunday’s Best pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..