Tuesday 13th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 11, 2018 @ 13:23

NI:Glen P. Sibonga

Ipinakita ni Martin Nievera ang kanyang appreciation sa pagbibigay ng parangal ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa pamamagitan ng isang madamdaming post sa kanyang Instagram (@martinnievera).

Ayon sa IG post ni Martin — There are very few people today who recognize and in turn encourage artists and producers to give their very best every time they give a performance. Very few people. That’s why we all must thank and praise our friends at the PMPC who bless us with, “Staw Awards.” It’s there way of NOT choosing winners and losers. It’s their way of giving all the stars that fill the sky a big big hug!

Pinarangalan si Martin bilang 2017 Male Recording Artist of the Year para sa kanyang album na Kahapon… Ngayon under PolyEast Records sa Star Awards For Music: A Decade Of OPM Excellence ng Philippine Movie Press Club (PMPC), na ginanap noong Linggo, September 9, sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.

Kasama rin si Martin nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Erik Santos sa #PaMore concert na nagwaging Concert of the Year. Tinanggap pa ni Martin para kay Lani Misalucha ang napanalunang award ng Asia’s Nightingale na Female Concert Performer of the Year. Magkasama sila ni Lani sa Masquerade concert

Mula sa produksyon ng Airtime Marketing Philippines ni Ms. Tess Celestino-Howard at sa direksyon ni Bert de Leon, ang PMPC Star Awards for Music ay mapapanood sa Setyembre23 sa ABS-CBN’s Sunday’s Best pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..