Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 13, 2018 @ 16:39

NI:Archie Liao

Nag-celebrate ng first year anniversary ang mga talents ng 3:16 Events and Talents Company na pinamamahalaan ng mabait na businesswoman turned manager na si Len Carillo.

Happy siya dahil lumalaki ang pool of talents ng nasabing kumpanya na siyang nagpasikat sa Clique V at Belladonas.

Aware rin si Len na very competitive ang mga boy at girl groups ngayon na pumapasok sa singing at dancing.

Dagdag pa niya, tanggap daw niya na isang grupo o sa isang banda, merong aalis at magpapaalam.

Handa raw naman siya kung sakaling magkahiwa-hiwalay ang binuo niyang grupo.

Katunayan, may kumukuha na sa isang talent niya para sa isang teleserye ng isang major network.

“I’ll be happy for them pag ganoon sila kapag may mapupuntahan sila at may bigger at magandang opportunity, i-a-allow ko sila. No hard feelings for me. Tinayo ko ito hindi para hawakan sila o pigilin ang pag-grow. Gusto kong makatulong sa mga kabataan, kasi naniniwala ako sa talents nila. So, sayang naman,” aniya. “Hindi lang naman ito ang bread and butter ko. Hindi naman ako nag-e-expect in return, come what may,” dugtong niya.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..