Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 13, 2018 @ 16:35

Archie Liao

Nilinaw ni Quinn Carillo, anak ng may-ari ng 3:16 Events and Management Company at manager ng Belladonas na walang special treatment siyang natatanggap sa kanilang grupo.

“Wala pong special treatment.Pantay-pantay po kaming lahat. Kapag nagre-rehearse kami, wala pong binibigyan ng special treatment,” sey niya. “Gusto pong ipamulat sa amin ang disiplina sa simula’t-simula pa lang po,” pahabol niya.

Si Quinn ang tumatayong pinaka-lider ng Belladonnas.

“Nag-vote po kasi kami kung sino iyong puwedeng mag-lead ng grupo. Kasi ako po iyong nagtuturo at nagha-handle para malinis iyong sayaw namin,” aniya.

Napagsasabay ni Quinn ang kanyang career sa showbiz at ang pag-aaral.

Kasalukuyang kumukuha siya ng Electronics Engineeering course sa Technological University of the Philippines.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..