Wednesday 19th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 15, 2018 @ 16:13

By Roldan Castro

 

Masayang-masaya sina Deborah Rico, single mom na may tatlong anak, at nanay Estancia Miranda, isang manlalako ng mani, nang makatanggap ng libreng check-up, gamot, at seminar para sa pangkabuhayan sa ginanap na “Bida Kapamilya: One Love, One Family” sa Malolos, Bulacan kamakailan.

Bukod kina Deborah, Estancia, at kanilang mga anak, higit 800 na Kapamilya ang nakinabang sa libreng medical at eye checkup, libreng gupit at pampaganda, at iba’t-ibang seminar. Ayon kay Deborah, naibsan nang bahagya ng “Bida Kapamilya” ang kanilang gastusin, lalo nang wala siyang trabaho at hindi sinusuportahan ng asawa.

“Kapag naswertehan, pang isang taon na yung check-up at gamot na nakuha namin dito,” aniya. “Sobrang laki ng tulong nito sa akin kasi hindi naman ako nakakatrabaho kasi ang ba-bata pa ng mga anak ko.”

Para kay Estancia naman, na higit 30-taon nang naglalako ng mani at tsitsirya, magandang pagkakataon ang makalibre sa gamot at check-up dahil mailalagak ang dapat pambayad dito sa pondo ng edukasyon ng kanyang anak. Bilang isang maliit na negosyante, natuwa rin siya sa mga seminar na hatid ng TESDA.

“Sa pagbebenta ko ng mga mani at tsitsirya, nasasaksihan ko na maaari talagang kumita kapag malikhain ka,” sabi niya. “Magagamit talaga naming mga nanay yung mga tinuturo ng TESDA, kasi maaari tong gawin sa bahay kasabay ng pag-aalaga ng bata.”

Bukod sa libreng medical check-up at gamot, nakilahok rin ang mga dumalo sa iba’t ibang seminar tungkol sa pagpapalaki at pagprotekta ng mga bata hatid ng Bantay Bata 163, workshop para iwasan o makaligtas sa krimen mula sa “SOCO,” tamang paghahanda sa kalamidad na pinangunahan ng “Red Alert,” basic hairstyling, hilot, at soap-making na hatid ng TESDA.

Dumalaw ang TNT Singers para mang-harana, habang naghatid naman ng saya ang DZMM Classroom on Wheels sa mga bata kasama ang “Team YeY” kids. Naghatid rin ng libreng pagpapalabas ng pelikula ang Star Cinema para sa mga bilanggo sa Malolos City Jail.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..