Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 16, 2018 @ 19:34

NI: Ronaline Avecilla

Dismayado ang isang netizen matapos mag-iwan umano ng kalat ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ sa tapat mismo ng Manila Post Office.

Ayon sa netizen na si Roderick Tan, nagtanong siya sa mga tambay kung anong nangyari sa sabog na kotseng nakaharang sa daan.

Ayon sa mga tambay, pinasabog ang nasabing sasakyan para sa taping umano ng Probinsyano . Magdadalawang araw nang nakaharang doon.

Wala raw umanong nagtatanggal ng nasabing kalat kaya kinakalas na lang ng mga tambay para mapakinabangan.

Dagdag pa ni Roderick, “So ayun kamusta naman tayo niyan? asaan ang mga staff ng Probinsyano? hindi ba dapat nililinis nyo agad yan? porke ba Probinsyano kayo basta nalang kayo magkakalat sa Manila? lol.”

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..