Friday 16th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 17, 2018 @ 16:03

NI: Archie Liao

Sasabak naman sa teatro ang magaling at award-winning actor na si Jake Cuenca dahil siya ang lead actor ng acclaimed play na “Lungs” . Makakatambal niya si Sab Jose.

Ang nasabing masterpiece ay mula sa panulat ni Duncan Macmillan na nakilala rin sa kanyang mga akdang People, Places and Things at Every Brillant Thing.

Siya rin ang nagsulat ng stage adaptation ng George Orwell novel na Nineteen Eighty_Four na kanyang idinirehe sa teatro.

Naging kontrobersyal si Jake kamakailan dahil na-bash siya ng mga KathNiel fan nang sabihin niya sa kanyang social media account na dapat mga pelikulang tulad ng “Goyo: Ang Batang Heneral” ang sinusuportahan ng mga Pinoy dahil ito ay maituturing na national treasure.

Ang “Lungs” ay produksyon ng The Sandbox Collective at 9 Works Theatrical at magkakaroon ng Philippine premiere sa PowerMAC Center Spotlight sa Circuit Makati sa Setyembre 22.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..