Friday 16th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 17, 2018 @ 18:05

Archie Liao

Ayon pa kay Princess,sobrang excited siya na makasama ang dalawang world-class performers sa isang musical.

Masaya rin si Princess na maging bahagi ng pelikulang ang tema ay napakalapit sa kanyang puso.

“It is a very relevant movie, because it touches the issues of undocumented immigrants. It’s my first movie that will be understood by my US family without using an interpreter,”, paliwanag niya.

Isang magaling at premyadong actress si Princess na bago nagpasyang manirahan sa Estados Unidos ay namamayagpag ang career sa telebisyon.

Pamilyar ang TV audience sa kanyang role bilang Selina Matias sa teleseryeng “Mula sa Puso”.

Huling napanood siya sa TV series na “The Story of Us” na pinagtambalan noon nina Kim Chiu at Xian Lim.

Si Princess ay panganay na anak ng namayapang actress at broadcaster na si Helen Vela na sumikat sa kanyang drama anthology na “Lovingly Yours, Helen”.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..