Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 17, 2018 @ 15:55

NI: Archie Liao

Ayon sa ToFarm Film Festival director na si Bibeth Orteza, topgrossers sa ikatlong edition ng ToFarm Filmfest ang mga pelikulang “Sol Searching” na idinirek ni Roman Perez, Jr. at pinagbidahan nina Pokwang, Joey Marquez at JM Salvado.

Pumangalawa rito ang pelikulang “Alimuom” na isang scifi movie na idinirehe ni Keith Sicat at nagtatampok kina Ina Feleo, Epy Quizon at Kiko Matos.

Mas mataas daw naman ang gross ngayong taon kumpara raw last year.

Na-meet din daw ang ilang expectations nila.

Tsika pa niya, ito rin daw ang ToFarm filmfest na ang temang pinapaksa ng lahat ng mga kalahok ay tungkol sa pagsasaka at agrikultura.

Ang “Sol Searching” ang tinanghal na People’s Choice Awardee samantalang ang “Alimuom” ang nanalong 3rd best picture at nag-uwi ng P300,000 cash sa nakaraang ToFarm awards night.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..