Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 19, 2018 @ 23:14

NI: ROLDAN CASTRO

Agad na nagdala ng saya at kilig sa mas maraming Pilipino ang pinakabagong Kapamilya serye na “Playhouse” matapos manguna ng pilot episode nito sa national TV ratings at mag-trend sa social media noong Lunes (Setyembre 17).

“Para akong nanonood ng movie sa totoo lang. Katuwa talaga si Angelica, natural na natural lang,” komento ng iWant TV user na si Helen Arcega.

“Galing talaga nito ni Zanjoe. Kahit sino ma-partner niya may chemistry. Parang ang bait-bait kasi niya at parang kung magmahal todo,” papuri naman ng YouTube user na si Rio.

“Nakakatawa grabe. Ang cute nina Zanjoe at Angelica. Nakaka-good vibes lang talaga ang ‘PlayHouse.’ Excited to watch all the episodes,” sabi naman ni @joycearvhbautista.

Samantala, bagama’t hindi pa nagkakakilala ang kanilang karakter, lubos na ring inaabangan online ang tambalan nina Kisses Delavin at Donny Pangilinan sa pagdagsa ng posts at tweets mula sa kanilang fans.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..