Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 25, 2018 @ 17:56

ni : Ronaline Avecilla

Marami sa mga netizen ang nakakapansin sa mga senyales na unti-unting binubunyag ni Marian Rivera. Mga pahiwatig sa posibilidad na buntis nga siya. Mayroon pa diyan na nakuhanan siya na baka ang baby bump sa suot na fitted dress.

Hindi na rin siya nagpo-post ng mga sexy na picture sa kaniyang Instagram account at puro half body na lang. Mas kinalakas ng kutob ng lahat ng putulin niya ang kaniyang mahabang buhok.

Binanggit na rin niya kasi ito kay Manay Lolit Solis dati na malalamang buntissiya sa oras na magpagupit siya ng buhok. Makaraan ang mga isyu ng buntis siya ay nagpost nga siya ng ginupit niyang buhok.

Samantala, ngayong araw ay nag-post si Marian Rivera at kinumpirma nga na buntis siya.

“My heart overflows with gratitude and humility. Dong and I, with our Zia, have been gifted with the miracle of life! ❤️Looking forward to meeting our ‘little one’ soon,” caption niya sa post na ultrasound result na may hashtag pa na “#YesAnotherDantes #BigSisZia #YESmayIsaNanamangDantes #4DnaKami #YesImBuntis.

Umulan ng pagbati kay Marian Rivera mula sa mga fan at mga malalapit na kaibigan sa showbiz. Hiling pa nga ng ibang netizen na sana ay baby boy ang dinadala niya.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..