Thursday 15th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 28, 2018 @ 13:29

NI: Archie Liao

Opening film ng 2018 Cinemaone Originals filmfest ang “A Star is Born” na pinagbibidahan nina Lady Gaga at Bradley Cooper.

Ito rin ang directorial debut ni Cooper na dalawang beses nang na-nominate sa Oscars sa kategoryang best actor para sa Silver Linings Playbook at American Sniper.

Remake ito ng 1937 film ni William Wellman na pinagbidahan nina Janet Gaynor at Fredric March.

In-adapt din ito noon 1954 nang gawin ito musical ni George Cukor na nagtampok sa tambalang Judy Garland at James Mason.

Naging rock musical naman ito noong 1976 nang isapelikula ni Frank Pierson kung saan pinag-usapan ang tambalang Barbra Streisand at Kris Kristofferson.

Sa huling bersyon din, tumanyag ang awiting “Evergreen” na nanalo ng Academy award for best original song noong 1976.

Ang “Star is Born” ang acting debut ng American singer at songwriter na si Lady Gaga.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..