Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 29, 2018 @ 16:14

NI: ROLDAN CASTRO

Tampok sa “MMK” ngayong Sabado (Setyembre 29) ang kwento ng isang babaeng nalagpasan ang sumpang tinadhana sa kanya ng kanyang pinagmulan, na bibigyang buhay ni Mary Joy Apostol.

Ang Bantay Bata Children’s Village ang nakagisnang tahanan ni Roxanne (Mary Joy). Masaya siyang lumaki sa piling ng mga social worker nag-alaga sa kanya hanggang sa araw na nagsimula siyang manirahan sa kanyang mga tiyahin.

Pinagpasapasahan si Roxanne ng kanyang mga kamag-anak at sa bawa’t pagkakataon ay nararamdaman niya ang kanilang pagkamuhi at pag-iwas na tila ba siya ay sinumpa. Sa paglaya ng kanyang amang si Raul (Bembol Roco) sa bilangguan, mabubunyag ang malagim na katotohanan sa likod ng kanyang pagkatao – siya ay bunga ng panggagahasa ng kanyang tatay sa kanyang nanay, na siyang kapatid din niya dahil ang tatay at lolo niya ay iisa.

Lalong nag-hirap si Roxanne matapos malaman ang kwento ng kanyang pinagmulan. Nakaranas siya ng pagmamaltrato hindi lang mula sa kanyang pamilya, lalo na mula sa kanyang Tiya Rosa (Aiko Melendez), at pati na rin sa naging amo niya matapos umalis sa poder ng kanyang mga kamag-anak. Tila ba lahat ng tao ay mas mababa pa sa hayop ang tingin sa kanya dahil sa kanyang pagkakabuo.

Paano matatanggap ni Roxanne ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkatao lalo na’t hindi siya tanggap ng mga tao? Paano niya maisasaayos ang buhay niyang sa simula pa lang ay sinumpa na ng kanyang pinagmulan?

Kasama rin sa episode na ito sina Mike Lloren, Raine Salamante, CX Navarro, Yesha Camile, Sue Prado, Mica Javier, at Jade Ecleo. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Crisostomo Naval at panunulat nina Arah Jell G. Badayos at Benson A. Logronio.

Panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..