Thursday 15th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Sep 30, 2018 @ 22:17

NI: ARCHIE LIAO

Inanunsyo na ng Vidsee ang mga nagwagi sa 2nd annual Juree Awards Philippines sa isang seremonyang ginanap sa FDCP Cinematheque, Manila kamakailan.

Bago rito, ipinalabas ang sampung finalists sa De La Salle-College of St. Benilde Auditorium noong Setyembre 28.

Sampung bago, mapangahas at kakaibang kuwento ang tampok sa 2nd Vidsee Juree Philippines, isang festival ng mga short stories na nagbibigay pugay sa mga filmmakers sa Asya.

Wagi ng Divine XY” na idinirehe ni Ruelo Zendo ng Gold award (grand prize).

Nasa cast nito sina Divine Aucinea, Che Ramos-Cosio, Rolando Inocencio at Roeder Camanag.

Ang short film na “Ang Mga Turo ng Gabi” (The Lessons of the Night”) ni Christian Rae Villanueva na pinagbibidahan nina Sheenly Gener at Dylan Ray Talon ang itinanghal na Silver awardee.

Ang “Tears of the Stars” ni Kenneth dela Cruz ang napiling Audience Choice awardee.

Ang mga gold at silver winners ay pinagkalooban ng ng film production grants na nagkakahalaga ng P160,000 at P80,000 kasama na ang audio equipments kaloob ng RØDE Microphones.

Ang Gold winner din ang magkakaroon ng ng five-day Global Film & TV Program na gaganapin sa Los Angeles sa pakikipagtulungan at pagtangkilik ng Motion Picture Association.

Lahat ng sampung finalists ay tatangap ng 12-month Creative Cloud All Apps subscription na nagkakahalaga ng US$560 bawat isa mula sa Adobe.

Ang Viddsee ang nangungunang video entertainment platform para sa mga shorts filmmakers.

Ang mga miyembro ng inampalan ay kinabibilangan ng Malaysian publisher, writer at filmmaker na si Amir Muhammad; Tribeca Film Festival Shorts Programmer Ben Thompson at multi-awarded actress na si Cherie Gil.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..