Thursday 15th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 1, 2018 @ 11:22

Ni: Glen P. Sibonga

Mukhang suwerte sa isa’t isa ngayong taon ang ex-couple na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban. Humahataw kasi sa takilya ang pelikula nilang Exes Baggage. Tapos nitong Sabado, September 29, itinanghal pa sila bilang “favorite couple of the night” sa ABS-CBN Ball 2018.

Sina Carlo at Angelica o CarGel ang nanalo sa Facebook poll na isinagawa ng ABS-CBN News matapos makakuha ng mahigit sa 25,000 likes. Tinalo nila para sa special award na ito ang dalawang top Kapamilya loveteams – ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) na may mahigit sa 20,000 likes; at ang LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) na may mahigit sa 17,000 likes.

Nagpapasalamat din si Carlo sa malaking suporta at pag-sponsor sa kanilang pelikula ng ineendorso niyang BeauteDerm. Matagumpay at punong-puno ng tao ang block screening na inorganisa ng BeauteDerm sa pangunguna ng CEO at owner nitong si Rhea Anicoche Tan sa Cinema 2 ng Marquee Mall sa Angeles City, Pampanga noong September 26. Nagpa-block screening din ang iba pang BeauteDerm stores sa mga probinsiya.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..