Tuesday 11th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 5, 2018 @ 13:20

NI:ROLDAN CASTRO

Ngayong Linggo (October 7), simula na ng isang buwan ng kababalaghan, katatakutan at kaalaman sa ‘AHA! Shooktober Specials.’

Move over, Balete Drive, dahil may isang bagong kalye na kinatatakutan ngayon ng marami. Sa Kalye Barugo sa Caloocan City, may isang pasaherong nakaputi, kalbo at may sugat sa ulo ang pumapara at naghahabol sa mga pampasaherong jeep tuwing madaling araw. Gaano kaya ito katotoo? Kasama ang ka-AHA na si Bianca Umali, alamin ang buong kuwento mula kay Kate Dolar na personal daw na nasaksihan ang makapanindig-balahibong pagpaparamdam na ito.

Uso pa nga ba ang mga ‘witch doctor’ o mas kilala bilang ‘albularyo’? Sa Quezon City, kilala ang Pamilya Clemente bilang pamilya ng mga ‘albularyo’ dahil diumano, lahat sa kanila ay marunong manggamot. Apat na henerasyon na raw ng kanilang pamilya ang nabiyayaan ng kapangyarihan na magpagaling at magtaboy ng mga engkanto at kaluluwang nagdudulot ng masama sa isang tao. Pero, ligtas kaya sila sa mga ito?

Samahan si Drew Arellano sa pagtuklas niya ng samu’t saring saya at kaalaman sa AHA!, ngayong Linggo, 8:15 a.m. sa GMA 7.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..