Friday 16th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 5, 2018 @ 13:14

NI: ROLDAN CASTRO

Simula ngayong Sabado (October 6), may bagong adventure na kahaharapin si Kapuso heartthrob Gil Cuerva bilang bagong co-host ni Solenn Heussaff sa lifestyle show ng GMA News TV na Taste Buddies.

Isang self-confessed foodie at travel enthusiast si Gil kaya naman tiyak na kakaibang saya ang dala niya bilang first-ever male co-host ng programa.

Bawat linggo, sabay susubukan nina Solenn at Gil ang iba’t ibang fun activities at masasarap na pagkain bilang pagsunod na rin sa tagline ng show na “Basta masarap, Go!”

Minsan na ring naging guest sa Taste Buddies si Gil kaya naman looking forward siyang maging co-host ni Solenn. “This is my first hosting project. In the past, I really enjoyed being a guest on Taste Buddies. Now that I am officially part of the show, I am excited to join Solenn in her adventures,” sabi niya.

Breath of fresh air naman kung ituring ni Solenn ang pagkakaroon ng male co-host sa programa sa unang pagkakataon. “I’m sure having Gil in the show will really be fun. He will bring a new dynamic since he is a guy and I cannot wait for our adventures together. It will be an interesting mix and viewers should watch out for it,” ayon sa kanya.

Sa una niyang pagsabak bilang bagong Taste Buddies co-host, dadalhin ni Gil si Solenn sa Sabor Bar de Vinos sa Novotel Araneta. Fine dining experience ang ipatitikim ng dalawa sa viewers.

Chance na rin ito ni Solenn na mas lalo pang kilalanin ang bago niyang co-host sa pamamagitan ng isang masayang Q & A. Makaya kaya ni Gil ang mga tanong ni Solenn?

Sa susunod pang episode, pupuntahan nina Solenn at Gil ang Instagram-worthy restaurant na Perry’s kung saan hindi lang isang food adventure ang naghihintay sa kanila, matitikman din nila ang specialty tea ng nasabing restaurant.

“Basta masarap, Go!” Samahan sina Solenn at Gil sa “2018 COMGUILD Media Awardee for Best Lifestyle Program” Taste Buddies, Sabado, 8:45 p.m. sa GMA News TV .

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..