Tuesday 11th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 5, 2018 @ 13:31

NI: ROLDAN CASTRO

Happy ang celebrity couple na sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez dahil pareho silang ambassadors ng Beautederm.

Ito raw kasi ang first endorsement nila na magkasama bilang mag-asawa.So, nagkakasabay sila sa mga event, meet and greet, at store openings ng BeauteDerm.

“Nakakatatlong events na ako sa Beautederm. Yung dalawa out of town sa Cabanatuan, then yung pangatlo sa Ali Mall Cubao. Si Tonton naman first time niya yung sa Ali Mall. Enjoy kami na magkasama dito at maka-bonding ang iba pang ambassadors,” deklara ni Glydel.

True ba na siya ang kumumbinsi kay Tonton na gamitin ang Beautederm products?

“Yes, kasi pag wala kaming trabaho naggo-golf kami. E, yung Beautederm may sunblock na one year ko na ginagamit. Sabi ko sa kanya, ‘Try this sunblock.’ Tapos nagustuhan niya. And then trinay na rin niya yung ibang products like yung facial wash. Tapos biniro ko, ‘Mag-Beautederm ka na rin para hindi mo maubos ang supplies ko,’” lahad pa ng star ng “Stepdaughters”.

Sey naman ni Tonton

“Si Glydel kasi merong products na inuuwi mula sa Beautederm. So, yung facial wash sinubukan ko. Kasi ako wala naman akong hilig sa mga application na ganyan e. I’m just a simple guy na sabon at tubig lang, okay na ako. Pero sinabi ni Glydel na subukan ko nga yung facial wash. So, I tried it morning at saka gabi. And I saw the difference. Yung discoloration sa face ko nawala. Tapos naging smoother yung mukha ko. Marami ang nagsasabi, mukha raw akong bumata. So, effective talaga ang Beautederm. Kaya nu’ng kinukuha na ako to endorse, sabi ko, bakit hindi. Kasi nag-e-endorse ako ng isang bagay na naniniwala ako at ginagamit ko.”

Na-appreciate din ni Tonton ang kabaitan ng Beautederm CEO at President na si Rhea Anicoche Tan.

“ She’s very young ang she’s very aggressive when it comes to her business. Bakit naman hindi siya magiging aggressive, e napaka-effective ng beauty products na ginagawa niya.”

Dagdag naman ni Glydel: “Ngayon lang ako nakakita ng ganyan kabait na tao, na sana hindi abusuhin ng iba, kasi napakabait talaga niya. Alam mo isang taon na akong gumagamit ng Beautederm pero hindi agad kami nagkita. Pero naging BFF agad kami. Blessed kami ni Tonton na makilala siya.”

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..