Saturday 15th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 6, 2018 @ 13:40

NI: ROLDAN CASTRO

Pasabog ang birthday celebration ng isa sa member ng Clique V na si Rocky Rivero . Meron siyang mini concert ngayong gabi , 6PM para sa kanyang 21st birthday sa Water Nymph Resort, Concepcion Dos, Marikina.

Si Rocky ay isa sa bida sa pelikulang ‘Kodep” kasama si Quinn Carillo, ibang members ng Clique V at Belladonnas , Ana Capri, Ronnie Lazaro, Via Veloso, at Rosanna Roces.

Sino ba ang paborito niyang aktor?

“Si John Lloyd Cruz po talaga, sobrang hinahangaan ko po. Sobrang galing po niyang umarte, natural na natural, kahit ano pong role ang ibigay mo, nabibigyan niya ng justice,” pakli niya

Naghahanda naman ang Clique V sa kanilang second major concert sa last week ng February, 2019 kasama ang Belladonnas.

Ang mga kasamahan ni Rocky sa Clique V ay sina Karl Aquino, Clay Kong, Marco Gomez, Sean de Guzman, Kaizer Banzon, Blaize Nicolas. Calvin Almojera, at Gabby Villamor

Ang Clique V at Belladonnas ay hawak ng 3:16 Events and Talent Management Company ni Ms. Len Carillo.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..