Wednesday 14th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 8, 2018 @ 16:26

NI: ROLDAN CASTRO

Simula Oktubre 10, mapapanood na ang pinakabagong handog na Lakorn romantic-comedy series ng GMA Heart of Asia na ‘Switch.’

Itatampok sa ‘Switch’ ang buhay nina Raffy (Nadech Kugimiya), isang mayabang na pulis at playboy na minamaliit ang kababaihan; Pia (Urassaya Sperbund), isang sikat ngunit aroganteng artista; Anton (Tor Thanapob Leeratanakajorn), ang katrabaho at kaibigan ni Raffy na may lihim na pagtingin sa kasintahan nito; at Nadia (Ice Preechaya Pongthananikorn), ang fiancée ni Raffy na nagbubulag-bulagan sa mga kamalian ng kasintahan.

Pinarusahan sina Raffy at Pia ng langit dahil sa kanilang mga kasalanan kaya’t pinagpalit ang kanilang mga katawan.

Humarap sa mga pagsubok ang dalawa hanggang sa napagdesisyunan nilang tanggapin ang kanilang mga kapalaran upang makabalik sa normal nilang katauhan. Matutunan kaya nina Raffy at Pia kung paano maging mabuti? Paano mahuhulog ang loob ng dalawa sa isa’t-isa?

Abangan ang ‘Switch’ simula Oktubre 10,10:05 pm sa GMA Telebabad.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..