Thursday 15th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 12, 2018 @ 12:58

NI: Archie Liao

Happy si Edgar Allan Guzman sa pagkapili ng pelikulang “Deadma Walking” bilang comedy movie of the year sa 5th Urduja awards.

Ayon pa kay EA, inspirasyon daw para sa kanya na kilalanin ang nasabing pelikulang pinagbidahan nila ng best friend niyang si Joross Gamboa.

Kahit hindi raw na-cite ang sinuman sa kanilang dalawa ni Joross sa naturang award-giving body para sa kanilang acting, malaking bagay na raw na nanalo ang nabanggit na 2017 MMFF entry ng TRex Films.

Happy naman si EA dahil hindi siya nababakante sa teleserye at sa pelikula.

Nasa cast siya ng pelikulang “Bagyong Bheverlynn” kung saan ginagampanan niya ang role ng boyfriend ni Bheverlynn (Rufa Mae Quinto) na winasak ang kanyang puso.

Ayon pa kay EA, nakaka-relate siya sa role dahil maangas din siya paminsan-paminsan sa tunay na buhay.

“I accepted the role because the character is close to my real self. ‘Yung medyo mayabang at feeling pogi. In real life, minsan ganyan ako sa mga kaibigan ko. Feeling pogi tapos mapera,” aniya. “ Kasi feeling pogi.Medyo mayabang at maangas. Pero ‘yung pagiging maangas ng karakter ko, hindi ka maiinis kundi matatawa ko. I haven’t done such kind of a role and I enjoyed myself so much,” dugtong niya.

Ang “Bagyong Bheverlynn” ni Charliebebs Gohetia ay isa sa mga kalahok sa competition section ng 14thCinemaone Originals filmfest.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..