Friday 16th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 12, 2018 @ 13:22

NI: Archie Liao

Naging controversial ang title ng Cinema One Originals entry na kalahok sa ika-14 ng edisyon ng pinakaaabangang indie film festival ngayong taon.

Ito ang pelikulang “Fisting” ni Whammy Alcazaren.

Nagbigay ng pahayag ang ABS-CBN Management sa pamamagitan ng Festival director at Cinema One Head nitong si Ronald Arguelles kung bakit pinalitan ang titulo ng nasabing pelikula.

Umani kasi ng iba’t-ibang reaksyon ang nabanggit na title.

May strong sexual connotation kasi ang title na sa colloquial term ay tumutukoy sa isang klase ng sexual act na maaaring ika-offend ng mga tao lalo na ng LGBT community.

Bagamat naiintindihan daw nila na ang isang pelikula ay isang sining, sensitibo raw naman sila sa damdamin ng ibang tao.

Wala rin daw sa adhikain nila na makasakit sa damdamin ng sinuman.

Ang “Fisting” ay pinalitan ng titulong “Never Tear Us Apart” ,isang drama na may elemento ng third world espionage at old country folklore.

Kasama sa cast nito sina Ricky Davao, Meryll Soriano at Jasmine Curtis-Smith.

Palabas na ito sa mga piling sinehan.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..