Tuesday 11th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 13, 2018 @ 12:00

NI: ROLDAN CASTRO

Siguradong magiging merry ang Pasko ng mga Kapuso dahil halos P12 Million worth of prizes ang naghihintay na papremyo sa nationwide proof-of-purchase promo na handog ng GMA Network – ang Kapuso Milyonation KrisMasaya!

Sa loob ng 13 seasons ng pinakamatagumpay at longest-running Network promo, 159 na ang mga naging milyonaryo habang 12 naman ang nanalo ng house and lot at 48 naman ang mga nanalo ng sasakyan.

Ngayong ika-pitong taon ng Kapuso Milyonation, nasa 1,600 winners ang may pagkakataong manalo ng cash prizes at home appliances. Kabilang na rin dito ang surprise winners ng big cash prizes na P1 million, brand new house and lot mula sa Lumina Homes, at isang surprise winner ng P350,000. Higit sa lahat, tax-free ang mga ipamimigay na papremyo!

Para sumali, ilagay lamang ang proof-of-purchase sa isang puting envelope mula sa sumusunod na participating brands.

Isulat sa entry ang pangalan, edad, address, contact number, at handwritten signature. Sa likod ng envelope, isulat ang “Kapuso Milyonation”, brand na kalakip nito, at region of residence ng sumali.

Ngayon taon, maaari na ring sumali ang Sari-Sari Store Partners kaya’t mas mataas ang tyansang manalo ng participants at ang kanilang sari-sari store partners ng karagdagang premyo.

Para naman pagkakataong makatanggap ng additional cash prizes, dapat ilakip sa entries ang pangalan ng valid sari-sari store kung saan nabili ang proof-of-purchase entry, ang address ng tindahan, at ang contact number ng may-ari ng sari-sari store. Ang mga winning sari-sari store partners are may pagkakataon ding makatanggap ng halos P75,000 na halaga ng gift packs, tax-free. Sa kasalukuyan, mayroon nang 376 na maswerteng nanalo mula sa mga sari-sari store partners.

Mula October 6 hanggang December 28, 2018, maaaring maghulog ng entries sa higit 700 drop box locations nationwide. Matatagpuan ito sa GMA Network Center, GMA Regional TV at Radio stations, sa mga piling Mercury Drug branches at Cebuana Lhuiller branches nationwide.

Para sa karagdagang detalye, i-like ang official Facebook page ng Kapuso Milyonation sa www.facebook.com/GMAPromos.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..