Monday 10th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 13, 2018 @ 14:28

By Glenn Sibonga

Nagsampa na kahapon ng umaga, October 12, sa hindi lang isa kundi pitong siyudad sa Metro Manila ng kasong qualified theft si Kris Aquino sa taong nanloko at nagnakaw sa kanya.

Personal na pumunta si Kris sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City para ihain at sumpaan ang reklamo niyang qualified theft. Kasabay nito naghain din ng parehong demanda ang mga abogado ni Kris sa anim pang siyudad – San Juan, Mandaluyong, Pasig, Makati, Taguig, at Manila.

Sinubukang makipag-settle ng mga abogado at kampo ni Kris sa representatives ng taong ito na ayaw pa ring pangalanan ni Kris sa kanyang social media posts. Pero ayon nga kay Kris, “cumare bears” o tila hindi interesadong makipag-ayos ito. Bukod doon ay pinili pa nitong magkalat umano ng mga kasinungalingang kuwento. Kaya naman itinuloy na ni Kris ang pagdemanda.

Narito ang post ni Kris sa kanyang Instagram (@krisaquino) — This morning, nagpunta po ako sa QC Office of the City Prosecutor para personal na sumpaan ang aking qualified theft complaint. Naghain din po para sa ‘kin ang Fortun Narvasa ng parehong demanda in 6 other cities namely, San Juan, Mandaluyong, Pasig, Makati, Taguig, and Manila. I continue to have faith that the Philippines’ justice system will uphold the law with impartiality & fairness. My legal teams had met with his representatives in an attempt to settle amicably, but in straight forward language -cumare bears sila. My family had advocated for peace BUT the other party failed to even meet us halfway and instead chose to spread malicious lies & falsehoods… i wanted to quietly put this painful chapter behind me… kilala nyo na po ako- hindi ako ang nagsisimula ng away, pero hindi po ako pinalaki para urungan ang pakikipaglaban para sa katotohanan. “Sinimulan nyo, kaya tatapusin ko.”

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..