Monday 10th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 16, 2018 @ 12:49

NI: Archie Liao

asok sa competition section ng International Film Festival Manhattan sa New York ang pelikulang “The Death of Pablo”, ang first full-length directorial job ni Arvin Kadiboy Belarmino.

Ayon sa mga nakapanood na ng pelikula, maituturing na cinema version ang obra ni Belarmino ng “Journey to the End of the Night” ng pamosong French author na si Louis Ferdinand Celine.

Maganda rin ang review dito ng multi-awarded screenwriter at Plaridel awardee na si Ricky Lee na tinawag ang pelikulang “visceral, dreamlike, unnerving, grotesquely funny at hardhitting”.

Ipalalabas ang nasabing pelikula sa Producers Club sa New York sa Oktubre 22 bilang opisyal na kalahok sa 2018 IFFM.

Si Arvin ay nanalo ng Gawad Urian noong nakaraang taon para sa kategoryang best short film kasama si Noel Escondo para sa kanilang obrang “Nakaw”, na ipinalabas din sa Short Film Corner ng prestihiyosong 2017 Cannes filmfest

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..