Monday 10th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 17, 2018 @ 13:59

NI: Archie Liao

Bilib si Barbie Forteza sa guts ni Derrick Monasterio sa ginawa nitong paghuhubad sa latest niyang pelikula.

“Kinilig lang ako sa pa-abs niya. Parang nakita ko si Jak,” ang komento ni Barbie.

Ngayong sumabak na pagpapaseksi si Derrick, naniniwala naman si Barbie na puwede pa rin sa mga wholesome roles ang kanyang leading man sa “Almost A Love Story” at sa nagtapos na Kapuso teleserye nilang “Inday Will Always Love You”.

“Oo naman. Puwedeng-puwede pa siya. Depende naman sa istorya iyon at bilang actor, it’s only a role. Hindi ka naman mabra-brand sa isang role mo lang. Marami naman ways tayo para mai-showcase ang versatility natin,” paliwanag niya.

Kahit hindi raw sila ang magkatambal sa nasabing proyekto, suportado raw niya si Derrick at ang leading lady nitong si Sanya Lopez sa pelikula.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..