Monday 10th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 17, 2018 @ 14:08

NI: Archie Liao

Bagamat nakilala si Direk Paul Soriano sa pagdidirehe ng mga de-kalibreng pelikula tulad ng Journey Home, Thelma, Kid Kulafu, Dukot at Siargao, may mga nagdududa pa rin sa kanyang kakayahan na keri niyang magdirek ng isang romance drama sa tradisyon nina Olivia Lamasan o Cathy Garcia-Molina.

Kaya nga nang sabihin ng kanyang lead star sa First Love na si Aga, na napakalaki ng tiwala nito sa direktor, sobrang flattered ang boss ng Ten17 P at mister ni Toni Gonzaga.

“It was actually quite emotional for me hearing Aga say that. He’s Aga Muhlach. He’s worked with great actors and great directors. It just proves that I’m doing something right. That I belong and there are people who believes me,”paliwanag niya.

Ayon pa kay Direk Paul, dream come true sa kanya ang makatrabaho at maidirek sina Aga at Bea sa isang movie.

“It’s one big dream come true. You have Aga and also Bea in the equation, so it’s a realization of a long dream of mine,” sey niya.

Aminado naman siya na mapili si Aga pagdating sa iskrip.

Katunayan, naka-apat na iskrip siya na isinumite sa aktor bago napapayag nitong gawin ang First Love.

“Mga mga scripts akong ipinitch sa kanya. Iyong first two concepts , hindi siya type ni Aga. When I finally pitched First Love, iyon ang nagustuhan niya,” aniya.

Hirit pa niya, sulit daw naman ang naging paghihintay niya kay Aga, na halos walong taong hindi gumawa ng pelikula.

“With Aga Muhlach, you have to earn it. It’s worth the fight and the wait,” pagtatapos niya.

Kung naipakita ni Direk Paul ang ganda ng surfing capital sa bansa sa “Siargao” at ang mga scenic spots sa Vancouver, Canada sa “First Love” kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto rin niyang gumawa ng pelikula sa Los Angeles, California, kung saan siya ipinanganak.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..