Monday 10th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 17, 2018 @ 14:17

NI: Archie Liao

Wala na sa poder ng talent manager na si Shandii Bacolod ang indie actress na si Mercedes Cabral.

Pero, nilinaw naman ni Shandii na walang bad vibes sa kanila ni Mercedes kaya sila maghihiwalay.

Hindi rin daw totoo na naging sakit ng ulo niya ang aktres kaya napilitan siyang bitawan na niya ito.

Hirit pa niya, titigil na raw siya sa pagma-manage ng talents dahil may iba siyang priorities.

“It’s not really sakit ng ulo kasi ang nangyari, hindi talaga ako nagma-manage . Filmmaker ako, director ako dati. Tapos may lalapit na ganyan, na tulungan mo naman ako, hanggang sa “O, siya, ima-manage kita pero sabi ko one year lang ito”. Kasi lahat ng talents ko, walang contract sa akin. Nagsimula lang siya sa tulong, kasi ang gusto ko lang talaga hanggang one year lang. Hindi ko namalayan, naging five years na, Tapos heto, eight years na pala akong nagma-manage. So, sabi ko sa kanila, may mga opportunities that I have to turn down because of the management at may pangarap din naman ako sa sarili ko just like to study abroad, to pursue my passion. I’m going back to school, isa iyon. Right now, after Cinema One, I have 5 films na naka-line up na pelikula, so hindi ko na siya kaya,” pahayag niya.

Si Mercedes na dating talent ni Shandii ay nakikipag-usap na sa Viva na posibleng mag-handle ng kanyang career.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..